Higit 1M nagparehistro para makaboto sa 2025 polls – Comelec
Lagpas isang milyon na ang nakilahok sa voter’s registraion para sa 2025 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ibinahagi ng Comelec na 1,027,572 ang nagsumite ng kanilang aplikasyon upang maging rehistradong botante.
Ang bilang ay mula noong Pebrero 12 hanggang nitong Marso 6.
Pinakamarami nang nagsumite ng aplikasyon sa Calabarzon na may 187,372, kasuno sa Metro Manila na nakapagtala ng 156,990; Central Luzon may 111,681; Central Visayas may 79,552; at Davao Region na may 63,998.
Tinataya ng Comelec na may tatlong milyon ang magpaparehistro hanggang sa Setyembre 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.