METRO MANILA, Philippines — Ipinangakò ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy at palalawakin pa ang pagtulong ng gobyerno sa mga dating overseas Filipino workers upáng silá ay magkaroón ng trabaho o kabuhayan dito sa Pilipinas.
Sa hareap ng Filipino community sa Brunei, ibinahagì ni Marcos na may mga programa namán ang gobyerno para magkaroón ng trabaho dito sa bansâ ang mga umuwíng mga OFW.
Aniya nag-aalók ang gobyerno ng retraining at reskilling sa mga dating OFW, bukód pa sa mga insentibo at alók na mga trabaho.
BASAHIN: Bilyong-bilyong piso para sa pensioners at OFWs tinapyas, nailipat sa AKAP
BASAHIN: 50% fare discount alok ng OWWA, Ube Express sa OFWs
Binanggít niyá ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na para sa mga nawalán ng trabaho, gayundín ang mga programa at alók na mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
May malakíng pondo din aniya para sa pagsisimulâ ng mga dating OFW ng kaniláng sariling negosyo.