Parangál sa Alas Pilipinas hinilíng ni Sen. Joel Villanueva

PHOTO: Alas Pilipinas volleybal team STORY: Parangál sa Alas Pilipinas hinilíng ni Sen. Joel Villanueva
Nagdiwang ang mga player ng Alas Pilipinas matapos makuha ang bronze medal ds AVC Challenge Cup 2024. —File photo na kuha ni MARLO CUETO ng INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Joel Villanueva na mabigyan ng karagdagang parangál ang Alas Pilipinas matapos nitóng masungkít ang bronze medal sa katatapos na 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup,

Inihain ni Villanueva ang Senate Resolution No. 1042 upang kilalanin ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa torneo simulâ noóng 1961.

Sinabi ng senadór na sa kabilâ ng maigsíng panahón na makapaghandâ, ipinamalas ng Alas Pilipinas ang kaniláng galíng at determinasyón sa isang linggóng torneo.

BASAHIN: Pilipinas nakapagtala na ng unang panalo sa AVC Asian Cup

BASAHIN: Ramil de Jesus, itinalagang head coach ng PH women’s national volleyball team

“Ang tagumpáy na itó ay patunay ng kaniláng sipag, dedikasyón, at hindí matitinag na diwà ng ating mga atleta, coaches, at buóng support team,” sabi pa nito.

Waláng talo sa elimination round ang Alas Pilipinas, bago yumukô sa Kazakhstan sa semi-finals at nakuha ang bronze medal nang talunin ang Australia.

Samantala, sa susunód na buwán ang Alas Pilipinas Men’s Volleyball team namán ang sasabak sa katulad na torneo sa Bahrain.

Read more...