Bilyong-bilyong piso para sa pensioners at OFWs tinapyas, nailipat sa AKAP

By Jan Escosio February 20, 2024 - 02:36 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ibinunyag ni Senator Imee Marcos na bilyong-bilyong piso na para dapat sa pensioners at overseas Filipino workers (OFWs) ang inalis at inilipat sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa 2024 General Appropriations Act, ang Pension and Gratuity Fund ay may alokasyon na P253 bilyon sa National Expenditure Program ay bumaba sa P143 bilyon.

Samantalang, P5.4 bilyon naman ang ibinawas sa pondo ng Department of Migrant Workers (DMW) at buo na tinanggal ang nailaan na pondo sa flagship projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nilinaw ni Marcos na walang kinalaman si Pangulong Marcos Jr., sa kontrobersiyal na bagong programa ng DSWD at wala rin ito sa bersyon ng panukalang pambansang pondo.

Nagkaroon ng P26.7 bilyon ang AKAP sa pambansang pondo ngayon taon.

Dagdag pa ni Marcos na bukod pa ang P33 bilyon na isiningit ng mga kongresista mula sa unprogrammed funds gamit ang “e-signature” ng mga senador  kayat ang AKAP ay may kabuuang pondo na halos P60 bilyon.

 

TAGS: ayuda, dswd, ayuda, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.