Apat patáy sa salpukan ng dalawáng sasakyán sa Cagayan

PHOTO: Map of Cagayan STORY: Apat patáy sa salpukan ng dalawáng sasakyán sa Cagayan
File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na tao at nasugatan naman ang dalawang iba pa sa banggaan ng dalawang sasakyan sa Gattaran, Cagayan nitóng umaga ng Biyernes.

Kinilala ang mga nasawí na siná Kennedy Alversado, ang driver ng Isuzu Canter double cab (ABB-5929), at mga pasaherong sina Jenet Ann Olivas, Jerome Castro, at Jimmy Olivas.

Ayon sa imbestigasyon, sumalubong ang isang Isuzu Elf na minamaneho ni Jimmy Calimag sa kabilang linya kayat sumalpok sa sasakyan ng mga nasawi.

BASAHIN: Aksidente sa mass transport system, hindi dapat nangyayari – Sen. Poe

BASAHIN: Pagbuo ng Transportation Safety Board iginiit ni Sen. Grace Poe

Hindí na umabót ng buháy sa pagamutan ang mga biktima dahil sa matinding pinsalà sa kanilang katawan.

Sugatán naman si Calimag at ang kanyang pasahero.

 

Read more...