Aksidente sa mass transport system, hindi dapat nangyayari – Sen. Poe

By Jan Escosio October 12, 2021 - 09:05 PM

Labis na ikinalungkot ni Senator Grace Poe ang insidente ng sunog sa isang MRT-3 coach noong nakaraang Sabado, October 9.

Dapat aniyang tinitiyak ng gobyerno na ligtas ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon hindi lamang mula sa COVID-19 kundi maging sa mga aksidente.

“Our people expect the government to alleviate their transport woes amid the pandemic by sustaining the safe operation of public transport like the MRT,” sabi ni Poe.

Sa sunog malapit sa Guadalupe Station, walong pasahero ang nasaktan.

Sinabi na ng pamunuan ng MRT-3 na masusi nang iniimbestigahan ang insidente, maging ang Sumitomo Corp., ang maintenance provider ng EDSA mass transport system ay nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon.

Ayon pa kay Poe, bukod sa pagtutok sa mga big-ticket infrastructure projects, kailangang napapangalagaan din ang public transport system.

“The maintenance of the trains must be a critical part of government operations no less. Buhay ng ating mga kababayan ang nakataya dito. We’ve seen that even during a pandemic, our public transportation has remained the backbone of sustainable mobility which is essential to economic recovery,” ayon pa kay Poe.

TAGS: GracePoe, InquirerNews, RadyoInquirerNews, sunog sa MRT3, GracePoe, InquirerNews, RadyoInquirerNews, sunog sa MRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.