Pagbuo ng Transportation Safety Board iginiit ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio March 31, 2023 - 05:28 AM

PCG PHOTO

Sa mga sunod-sunod na trahedya at mga aksidente sa pagbiyahe, muling iginiit ni Senator Grace Poe ang pagbuo ng Philippine Transportation Safety Board.

Aniya ang layon ng kanyang panukala ay magkaroon ng isang ahensiya na magsasagawa ng makatotohanang imbestigasyon  sa mga trahedya at aksidente sa transportasyon.

Inulit ni Poe ang kanyang panukala matapos ang pagkakasunog ng M/V Lady Mary Joy 3, isang passenger ferry, sa karagatan ng Basilan na nagresulta sa pagkasawi ng 31 pasahero at pagkakasugat ng higit 20 pa.

Sabi pa nito, panahon na para may isang ahensiya na mag-iimbestiga sa mga kahalintulad na trahedya at magbibigay ng mga rekomendasyon para hindi na maulit pa ang mga insidente.

Ito din aniya ang ahensiya na titiyak ng ligtas na pagbiyahe, sa lupa, tubig at himpapawid.

Ang paglubog ng MT Princess Empress at MV lady Mary Joy 3 sa loob ng isang buwan ay patunay na kailangan ayusin ang mga regulasyon sa transportasyon.

TAGS: accident, board, safety, transportation, accident, board, safety, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.