DA pinalakpakán Luzon toll rebates, discounts sa agri trucks

PHOTO: 2024 May 24 - Man loading sacks of rice on a truck STORY: DA pinalakpakán Luzon toll rebates, discounts sa agri trucks
File photo na kuha ni Richard A. Reyes ng Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Ikinalugód ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigáy ng exemption sa toll hike at rebates sa mga truck na may kargáng produktong agrikultura na dadaan sa mga expressway sa Luzon.

Ayon sa pahayag ng kagawaran nitóng Biyernes, makikinabang ang mga mamimili sa hakbáng na itó dahil bababâ ang halagá ng mga pagkain.

Pinasalamatan din ni Agriculture Secretary Francis Tiu-Laurel sina Pangulong Marcos Jr. at ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa kanilang inisyatibong Agri-Trucks Toll Rebate na ipapatupad simula sa darating na ika-1 ng Hunyo.

BASAHIN: Pangulong Marcos pinamamadali proseso ng importasyon ng agri products

BASAHIN: Pinsala ng El Niño sa agrikultura lumubo na sa P3.34-B

Epektibo ang toll rebates sa Manila Cavite Expressway, North Luzon Expressway, Subic Clark-Tarlac Expressway, Muntinlupa Cavite Expressway, at sa South Luzon Expressway.

Nilinaw namán ng DA na itó ay para lamang sa accredited trucks ng kagawaran at tatagal itó ng tatlóng buwán bago pagdedesisyunan kung ipagpapatuloy pa.

Read more...