Escudero pabór na gawing madalî ang proseso ng annulment

By Jan Escosio May 24, 2024 - 02:20 PM

PHOTO: Gavel stock image STORY: Escudero pabór na gawing madalî ang proseso ng annulment
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Pabór si Senate President Francis “Chiz” Escudero na gawing abot-kaya ang halagá at gawing mas madalî ang proseso ng annulment alinsunod sa Family Code.

Ito ang pahayág ni Escudero matapós na maipasá nitong Miyerkulés, ika-22 ng Mayo, sa House of Representatives ang kontrobersiyal na divorce bill.

Paliwanag ni Escudero, magiging mura ang annulment kung papayagan ang Public Attorney”s Office (PAO) na hawakan ang mga kaso nito at gawing malinaw ng Kongreso ang ibig sabihin ng “psychological incapacity,” na isa sa ginagamit na basehan sa paghahain ng petition for annulment.

BASAHIN: Simbahan binatikos ang paglusót ng House divorce bill

BASAHIN: Mas mabilis na proseso ng annulment isinulong sa Kamara

Dagdág pa niya, may desisyon na din ang Korte Suprema na hindi na kailangan ng psychologist para patunayan ang psychological incapacity.

Kaugnáy nito, sinabi ni Escudero na walâ siyáng sasabihin pabor o laban sa panukalang gawing legal sa bansâ ang diborsiyo.

“Ang posisyón ko dito sa divorce ay conscience, personal vote ito. Waláng party, waláng majority, waláng minority stand dito. Personál na desisyon base sa kani-kaniláng paniniwala at relihiyón ang mangyayari diyán kada senador. At bilang tagapangulò ng Senado, walá akong balak dumiín pabor o kontra dito,” aniya.

TAGS: annulment, Francis Escudero, annulment, Francis Escudero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.