Mas mabilis na proseso ng annulment isinulong sa Kamara
Isinulong sa Kamara nina House Majority Leader Martin Romualdez at Tingog Siniragan Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang pagpapabilis ng proseso sa pagpapawalang bisa ng kasal.
Sa House Bill 1157 na ihinain ng mag-asawang Romualdez, kilalanin ang civil effects ng church annulment upang maging madali at hindi na dumaan sa isa pang mahabang prosesong sibil ang mga mag-asawang nagdesisyong maghiwalay.
Nakasaad sa panukala na ang mga pari, pastor, imam o rabbi na nagdadaos ng kasal sa kanilang simbahan ay may kapangyarihan din na mag-solemnize kaya ang nullification o annulment of marriage na ginawa sa simbahan ay direktang ma-i-apply na sa civil annulment.
Ang paghahain ng panukala na ito ay kasunod na rin ng reporma na ginawa ni Pope Francis sa marriage-nullify cases.
Sa kasalukuyan, ang isang mag-asawa na napawalang-bisa na ng kasal sa simbahan ay kailangan pang dumaan sa proseso ng annulment sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.