131, hindi 126, ang bumotong pabór sa House divorce bill

By Jan Escosio May 23, 2024 - 04:16 PM

PHOTO: House of Representatives logo and plenary hall STORY: 131, hindi 126, ang bumotong pabor sa House divorce bill
Stock photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Nilinaw ng Office of the House Secretary General na 131 — hindi 126 na unang binalita — ang bumotong pabor sa panukalang Absolute Divorce Act sa House of Representatives.

Kahapon, napa-ulat na naaprubahan ang panukalang batas sa pagpabor ng 126 mambabatas, samantalang may 109 negative votes at 20 naman ang nag-abstain.

Kasunod nito, naglabas ng pahayag si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III na lumabas na 255 lahat ang bumoto. At dtio, ang binalitang 126 yes votes ay kapos para masabing naaprubahan sa iktalo at panghuling pagbasa ang panukala,\

BASAHIN: Divorce Bill lumusot na sa Senate panel, 9 senators pumirma

BASAHIN: WATCH: Divorce at dissolution of marriage bills, dininig sa unang pagkakataon sa Senado

Ngunit sa abiso na inilabas nitong Miyerkules, ika-22 ng Mayo, ni House Secretary General Reginal Velasco, nakapagtalâ ng 131 yes votes, 109 no votes, at 20 abstentions sa botohan ukol a divorce bill

Gagawin daw ang pagbabago sa Records of the House sa pagbabalik ng sesyon sa darating na Hulyo.

TAGS: Absollute Divorce Act, Divorce Bill, House of Representatives, Absollute Divorce Act, Divorce Bill, House of Representatives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.