Simbahan binatikos ang paglusót ng House divorce bill
METRO MANILA, Phillippines — Naniniwala ang Simbahang Katoliko na tinalikuran ng maraming miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawán (House of Representatives) ang kaniláng mandato na protektahan ang pamilya at pagiging sagrado ng kasal sa pagkakapasa ng Absolute Divorce Bill.
Nitong Huwebes, sinabi ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs na kontra sa kasal, pamilya, at mga bata ang diborsiyo.
Diniin niya na hindí kailangan pa na gawing legál ang diborsiyo sa bansâ.
Paliwanag pa niya, hindi diborsiyo ang panghuling solusyón o opsyón sa kinahaharap na mga problema ng mga mag-asawa.
Dagdag pa ni Secillano, may umiiral nang mga legál na pamamaraán para sa paghihiwaláy ng mag-asawa.
Kahapon, 131 mambabatas sa Kapulungan ang pumabor sa panukalà, samantalang 109 namán ang tumutol at 20 ang nag-abstain.
Sa buóng mundó tanging ang Pilipinas at Vatican City na lamang ang waláng batas ukol sa diborsiyo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.