METRO MANILA, Philippines — Nakatuón ang pansín ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga darating pang mga war drills ng Pilipinas at nga mga kaalyadong nitong bansa, sabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro nitong Biyernes.
Binanggit ito ni Teodoro sa pagsasara ng 2024 Balikatan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, kung saan pinarating niya ang pagbati ni Marcos sa mga nakibahagi sa mga pagsasanay.
Sinabi pa ni Teodoro na kapanapanabik na ang Balikatan sa susunod na taon dahil sa isasagawang “full battle simulation.”
BASAHIN: Villar umapila ng “Balikatan” para sa mga mangingisdang Filipino sa WPS
BASAHIN: Balikatan live fire exercises sinaksihan ni Pangulong Marcos
Aniya hinihintay na rin ni Marcos ang “full debriefing” sa isinagawang war exercise ngayong taon.
Ang Balikatan ngayon taon ang pinakamalaki sa kasaysayan nito at ito ay inobserbahan ng 14 bansa.
Naging tampok sa pagsasanay ang magkasamang paglalayag ng mga barkong pandigma ng Pilipinas, US, at France; ang paggamit sa High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) sa ilang target sa West Philippine Sea ; at ang pagsasagawa ng humanitarian missions.
Nagsimula ang pagsasanay noong Abril 22.