Chinese citizens hihigpitan ng DFA ang pagkuha ng PH visa

PHOTO: Facade of the Department of Foreign Affairs STORY: Chinese citizens hihigpitan ng DFA ang pagkuha ng PH visa
Ang Department of Foreign Affairs (File photo from the Official Gazette)

METRO MANILA, Philippines — Hihigpitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkuha ng visa ng mga Chinese citizens para masala yung ilan sa kanilang may masamang balak sa Pilipinas.

Nilinaw naman ni Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo sa isang press conference kahapong Huwebes na ang paghihigpit ay walang kaugnayan sa mga isyu na may kaugnayan sa pambansang seguridad, tulad sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Dagdag pa nito, ang paghihigpit sa pagkuha ng visa ay proteksyon na rin ng mga bisitang Chinese sa kanilang mga kababayan na sangkot sa mga krimen na kaugnay sa mga Philippine offshore gaming operator.

BASAHIN: POGO-related crimes bahid sa mukha ng Pilipinas – Poe

BASAHIN: 8 sa bawat 10 Filipino ang ayaw sa POGO – Gatchalian

Ayon kay Domingo , hihingan ang mga aplikante ng social insurance certificate bilang patunay ng kanilang pagkatao.

Kalangan din nilang sumailalim sa interview sa Philippine Embassy o consular office sa pangagalingan nila.

Read more...