MANILA, Philippines — Dalawang araw lamang ang pagitan ng mga phreatic eruption ng Taal Volcano – itong nakaraang Miyerkules at ngayong Biyernes
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga eruprtion ay nangyari sa mga oras na ito ng Biyernes ng umaga:
- 7:03 hangang 7:09
- 7:17 hangang 7:18
- 7:52 hanggang 7:54
- 7:57 hanggang 8:00
Umabot sa taas na hanggang 300 metro ang ibinugang usok ng bulkan at napadpad ito sa direksyon na timog-kanluran.
Base sa inilabas na abiso ng Phivolcs, tumaas sa 2,346 tonelada ang ibinugang asupre ng bulkan.
BASAHIN: Taal Volcano nagbuga ng higit 18,000 tonelada ng volcanic gas
Paliwanag ng ahensiya: ang “weak phreatic activity” ay bunga ng patuloy na pagbuga ng mainit na volcanic gases mula sa main crater ng bulkan at ito ay maari pang masundan.
Nananatiling na nasa Alert Level 1 ang bulkan — nangngahulugan na ito ay nasa “abnormal state” at nanatili ang banta ng pagsabog.