Ilang DepEd officials nagpasa ng resignation letter kay Angara

By Jan Escosio July 15, 2024 - 02:50 PM

PHOTO: Sonny Angara STORY: Ilang DepEd officials nagpasa ng resignation letter kay Angara
Si Sen. Sonny Angara ay magsimula manungkulan bilang DepEd secretary sa Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2024. —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Ilang opisyal ng Department of Education (DepEd)ang nagpasa ng kaniláng resignation letter kay papasók na Education Secretary Sonny Angara.

Si Angara mismo ang nagpahayág nito ngayóng Lunes, ngunit hindí niyá ibinunyág kung sinu-sino ang mga nagpasa ng resigation letter.

Liniwanag namán niyá na hindi pa niyá napapag-isipan kung magtalagâ ba siyá ng mga bagóng opisyál dahil kailangan pa niyáng pag-aralan ang sistema ng kagawaran.

BASAHIN: Ayusin pagtuturò ng kasaysayan, bilin ni Marcos kay Angara

Samantala, kinumpirma niyá na sa Huwebes, ika-18 ng Hulyo,, ang turnover ng posisyón sa kanya ni Vice President Sara Duterte sa DepEd Central Office. Kinabukasan namán ang unang araw ng kanyang panunungkulan bilang bahagì ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, magkakaroón na rin siya ng pagkakataón na makaharap si Duterte upang mapag-usapan nilá ang mga programa, isyu, at proyekto ng DepEd na nangangailangan ng kanyáng agarang atensyón.

Nakaharáp mna ni Angara ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng DepEd.

TAGS: Department of Education, Sara Duterte, sonny angara, Department of Education, Sara Duterte, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.