Si Sonny Angara ang bagong DepEd secretary

By Jan Escosio July 02, 2024 - 01:29 PM

PHOTO: Sen. Sonny Angara STORY: Si Sonny Angara ang bagong DepEd secretary
Sen. Sonny Angara —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Si Sen. Edgardo “Sonny” Angara ang itinalagâ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa ika-19 ng Hulyo pormal na uupo sa kanyang bagong posisyon si Angara kapalit ng nagbitíw na si Vice President Sara Duterte.

Ang pagtalagâ kay Angara ay inanunsiyo sa isang Facebook post ngayóng Martés ng Presidential Communications Office (PCO).

BASAHIN: Angara tiniyák na may pondo ang ‘chalk allowance’ ng teachers

BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief

Ibinahagì ng PCO ang napakalawak na karanasán ni Angara bilang mambabatas, at kabilang sa mga nagawâ niya simula noóng 2013 ay ang pagsulong ng napakaraming repormang pang-edukasyón.

Kabilang sa mga panukala ni Angara na nagíng batás na Universal Access to Quality Tertiary Education at Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).

TAGS: Department of Education, Ferdinand Marcos Jr., sonny angara, Department of Education, Ferdinand Marcos Jr., sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.