Survey ratings ni Marcos steady lang, kay VP Sara bumabâ mulî

By Jan Escosio July 01, 2024 - 03:32 PM

PHOTO: Sara Duterte and Ferdinand Marcos Jr. STORY: Survey ratings ni Marcos steady lang, kay VP Sara bumabâ mulî
Vice President Sara Duterte at President Ferdinand Marcos Jr. —File photo mulá sa Facebook page ni Marcos

METRO MANILA, Philippines — Nanatiling kalahatî sa bawat 10 Filipino ang nasisiyahán sa ginagawâ ng administrasyón ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa resulta ng Pahayag 2nd Quarter 2024 survey ng PUBLiCUS Asia Inc.

Base sa survey 51% ang performance rating ng kasalukuyang administrasyon, samantalang nanatili sa 44% at 33% ang approval at trust ratings ni Marcos.

Ngunit kapansin-pansín na mulâ sa 52% noóng unang tatlóng buwán ng taón ay bumabâ ang kanyáng approval rating sa 49% sa North-Central Luzon, na kilaláng kanyáng balwarte.

BASAHIN: Bagong hepe ng DepEd malalaman bago matapos ang linggó – Marcos

BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief

Patuloy namán ang pagbabâ ng approval at trust ratings ni Vice President Sara Duterte sa 46% at 41% mula sa 53% at 46% sa unang survey ng taón.

Magíng sa kanyáng balwarte sa Mindanao ay bumabâ ang kanyáng approval rating sa 68% mula sa 75%. Hindi pa nagbíbitiw si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) nang isagawâ ang survey mula ika-15 ng Hunyo hanggáng ika-19.

May 1,507 respondents ang survey at silá ay mga rehistradong botante.

Bumabâ rin ang approval at trust ratings ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa 47% at 37% mulâ sa 58% at 45% noong first quarter quarter kung kailán ay hindí pa siyá naháhalal sa kanyáng kasalukuyang posisyón.

Samantala, tumaás sa 27% at 19% ang approval at trust ratings ni House Speaker Martin Romualdez mulâ sa 25% at 18%.

Nanatilì namán sa 29% ang approval rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo at umangát ng isang puntos ang kanyáng trust rating sa 19%.

Nanatili naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang Top 1 sa pinagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno, kasunód pa rin ang  Armed Forces of the Philippines (AFP) at ikatló ang Department of Science and Technology (DOST).

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., PUBLiCUS Asia Inc., Sara Duterte, Ferdinand Marcos Jr., PUBLiCUS Asia Inc., Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.