Bagong hepe ng DepEd malalaman bago matapos ang linggó – Marcos
METRO MANILA, Philippines — Iaanunsyó na raw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong mamumuno sa Department of Education (DepEd) bago matapos ang kasalukuyang linggó.
Ayon kay Marcos, ang DepEd ang pinakamahalagáng ahensya ng gobyerno at hindí dapat mapabayaan na waláng namumunò.
Nagbitíw si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd noóng nakaraáng linggo at ito aniya ay para sa kapakanán ng mga gurô at estudyante.
BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief
Idiniín ni Marcos na kahit magpalít man ng pamunuán ang DepEd kailangang magtuloy-tulóy ang kágawaran sa pagtupád ng mandato nitó.
“I would like to be able to announce the appointment of the DepEd Secretary by the end of the week. We cannot leave it open. We cannot just leave it like that nakatiwangwang lang na walang secretary,” ani Marcos.
Ibinahagì din ni Marcos na nang maka-usap niya si Duterte ukol sa dahilán nitá sa áng pagbibitíw ay hindí na siyá nagbigáy at nakiusap na hindí na lamang nilá pag-uusapan pa ang dahilán.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.