Metro Manila, iláng bahagi pa ng bansâ uulanín dahil sa habagat
METRO MANILA, Philippines — Dalá ng habagat ang pag-ulan na mararanasan nitóng Biyernes sa iláng bahagi ng bansâ — mula Luzon hanggang Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Kabilang sa makakaranas ng pag-ulán ang Metro Manila, gayundin ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula. Kasama na rin dito ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Ayon sa Pagasa, maaaring malakás o may kalakasan ang pagbuhos na ulán sa mga nabanggit na lugár.
BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA
BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST
Kasabáy nitó ang babalâ ng maaaring magkaroón ng biglaang pagbahâ at pagguhò ng lupà.
Maaari din ulanín ang ibá pang mga lugar sa bansâ dahil naman sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.