Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA

By Jan Escosio May 10, 2024 - 07:42 PM

PHOTO: Stock image of hand stretched out in rain with background of green leaves
Pagkatapos ng tagtuyot ng El Niño, susunod naman ang tag-ulán ng La Niña. (INQUIRER.net stock image)

METRO MANILA, Philippines — Hindi pa man natatapos ang pananalasa ng El Niño, inatasan na ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang regional offices na paghandaan na ang La Niña.

Nakikini-kinita na ng kagawaran na mas magiging mapaminsala sa sektor ng agrikultura ang mga pag-ulan na dulot nito.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Nichols Manalo na sinimula na nila ang “La Niña watch” bagamat abalá pa sila sa pagbabantay sa mga epekto ng El Niño.

BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST

Hanggang noong ika-2 ng Mayo, lumobo na sa P5.9 bilyón ang halaga ng pinsala sa mga pananím dahil sa matinding tag-tuyót.

Sabi pa ni Manalo na pinag-aaralan na ng DA ang mga naging epekto ng 16 na ulit na naranasan ang La Niña sa Pilipinas.

Dagdág pa ni Manalo na sinimulán na rin ng DA na makipag-ugnayan sa mga grupo ng magsasaka para sa drainage water management.

Bukód pa sa pinsala sa sektor ng agrikultura, ang mga pag-ulán ay nagreresulta din sa mga pagbahá at pagguho ng lupa.

TAGS: El Niño, La Niña, El Niño, La Niña

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.