Marcos bibisita sa Brunei, Singapore sa susunód na linggó
METRO MANILA, Philippines —Bibiyahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brunei Darussalam at Singapore sa susunód na linggó, pahayag ng Department of Foreign Affaris (DFA) nitóng Biyernes.
State visit ang lakad ng pangulo sa Brunei sa paanyaya ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah, mula ika-28 hanggang 29 ng Mayo.
Sa ika-30 hanggang 31 ng Mayo namán ay dadalo naman si Marcos sa International Institute for Strategic Studies’ (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.
BASAHIN: Singapore trip ni Pangulong Marcos sa Singapore, produktibo ayon sa Malakanyang
BASAHIN: Seguridad sa pagkain sa SEA binanggit ni Marcos sa ASEAN Summit
Inaasahan na magsasagawâ ng mga bilteral meeting ang pangulo sa Brunei at haharap sa Filipino community doon.
Ayon kay Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau ng Foreign Affairs Office ng Asian Pacific Affairs si Marcos ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na magsasalita sa naturang defense summit.
Inaasahan ang pagdaló sa naturang pagtitipon ng mga defense ministers, military chiefs, at security experts para pag-usapan ang mga isyu sa pandaigdigang seguridad.
Makakaharáp din ni Marcos si bagong Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.