Singapore trip ni Pangulong Marcos sa Singapore, produktibo ayon sa Malakanyang
(Photo courtesy: Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng)
Kinumpirma na ng Palasyo ng Malakanyang na nagtungo sa Singapore nitong weekend si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para manood ng F1 Grand Prix.
Base sa Facebook post ni Press Secretary Trixie Anngeles, sinabi nito na naging produktibo ang pagtungo ni Marcos sa Singapore.
“Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag- invest sa bayang Pilipinas,” pahayag ni Angeles.
Una nang kinumpirma ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng na nagtungo si Marcos sa Singapore.
Bukod sa Pangulo, nakausap din ni Tan si Palau President Surangel Whipps Jr. at iba pang opisyal mula sa Cambodia at Saudi Arabia.
“Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries including Bongbong Marcos… to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race,” pahayag ni Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.