Zubiri dismayado sa pagkontra ng DOLE chief sa wage hike
METRO MANILA, Philippnes — Nabigla raw si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagkontra ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa pagbibigay ng legislated wage hike sa mga manggagawa.
“Dapat ang secretary pa ang nangunguna sa pagsusulong ng interes ng mga manggagawa,” sabi ni Zubiri kahapong Huwebes.
Unang tinutulan ni Laguesma ang isinusulong na punukalang Minimum Wage Hike Act sa Senado, na layon bigyan ng P100 dagdag sahod ang mga minimum wage earner.
BASAHIN: Ilang senador pabor sa wage rates review na iniutos ni Marcos
BASAHIN: P100 wage hike banta sa job security, benefits – traders’ groups
Kinuwestiyon ni Zubiri ang motibo ni Laguesma sa sinabi nitong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mismo ang nag-utos sa regional wage boards na rebyuhin ang minimum wage rates sa kanilang nasasakupan.
Giit nito, sa pagkontra ni Laguesma malinaw na bigo itong protektahan ang interes ng mga manggagawa at mas pinili pa niya na magsilbing tagapagsalita ng mga negosyante.
Ipinaalala pa ni Zubiri na may mga batas ng nagbigay ng mga karagdagang insentibo, tulad ng “tax breaks” sa mga negosyo.
Sa posisyon ni Laguesma, dagdag pa ni Zubiri, maaring mas nararapat ito na magsilbing kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.