Ilang senador pabor sa wage rates review na iniutos ni Marcos
MANILA, Philippines — Nagpahayag ang ilang senador ng suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa regional wage boards na pag-aralan ang wage rates sa kani-kanilang nasasakupan.
“Nakikiisa ako sa pangulo natin sa kanyang panawagan na gumawa ang pagsusuri ang Regional Tripartite Wage and Productivity Boards ng ating mga minimum wages at siguraduhin ng National Wages and Productivity Commission na gagawin ito ng mga board,” sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Ingles.
Samantala, inihirit ni Zubiri ang inaprubahang Senate Bill No. 2534 — o ang P100 Daily Minimum Wage Increase Act..
Sinabi naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na magsisilbing liwanag ang kautusan ni Marcos sa pag-asa ng mga manggagawa na maging sapat ang kanilang kinikita para sa matustusan ang kanilang pangangailangan araw-araw.
Binanggit ni Villanueva ang isinusulong naman ang Senate Bill No. 2140, na ang layon ay magkaroon ng tinatawag na “living wage” na pagbabasehan ng dapat na minimum daily wage.
Samantala, sinabi naman ni Sen. Francis Tolentino na makakatulong ang direktiba ni Marcos para maka-agapay ang mga manggagawa sa halaga ng mga bilihin at serbisyo.
Sinabi lang din niya na kailangan lamang na balansehin ang interes ng mga manggagawa at negosyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.