P100 wage hike banta sa job security, benefits – traders’ groups
Ipinarating ng mga gurpo ng mga negosyante sa bansa sa Kamara ang kanilang mga agam-agam ukol sa P100 taas-suweld.
Sa sulat ng ECOP sa House Committee on Labor and Employmentkamakailan, inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (Ecop), Alliance of Workers in the Informal Economy/Sector (ALLWIES), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at ng Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport) ang kanilang pagkabahala sa ibibigay na umento.
Anila posible na humantong sa pang-aabuso sa mga manggagawa, kakulangan ng seguridad sa trabaho at informal employment arrangement ang isinusulong na taas-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Nabanggit din sa sulat na hindi sakop ng umento ang mga kawani ng gobyerno at ang mga nasa “informal sector” ngunit mararamdaman ng mga ito ang epekto ng hinihinging dagdag-suweldo.
Sinabi na 80 porsiyento ng mga nagta-trabaho sa bansa ay nasa “informal sector.”
Lumusot na sa Senado ang panukalang magbibigay ng P100 umento sa mga manggagawa, samantalang ang panukalang dagdag P350 ay tinatalakay pa sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.