Marcos umaasang maibalik ang dating school calendar sa 2025

By Jan Escosio May 06, 2024 - 10:24 AM

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. STORY: Marcos umaasang maibalik ang dating school calendar sa 2025
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

MANILA, Philippines — Umaasa si President Ferdinand Marcos Jr. na maibalik na sa 2025 ang “old school calendar” — ang dating pagsisimula ng mga klase sa Hunyo — dahil sa kinakailangan na talaga ito.

Ikinatuwiran ni Marcos ang kasalukuyang nangyayari ng pagkansela ng mga klase dahil sa napakataas na temperatura.

Aniya hiningi na niya kay Vice President Sara Duterte, na siyang namumuno rin sa Department of Educatio (DepEd), na payagan nang ibalik pagsisimula ng mga klase sa Hunyo.

BASAHIN: Higit 2.4M estudyante apektado ng matinding init – DepEd

“Kaya talagang kailangan na kailangan na. Kaya, oo, kasama yan sa mga balak naming gawin — na ibabalik ang dating skedyul. Sa tingin ko ay mas makakabuti ito para sa mga bata,” sabi ni Marcos sa magkalong Ingles at Filipino.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., old school calendar, Ferdinand Marcos Jr., old school calendar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.