Higit 2.4M estudyante apektado ng matinding init – DepEd
Sinabi ng Department of Education (DepEd) na higit 2.4 milyong mag-aaral sa higit 4,000 paaralan sa bansa ang apektado ng matinding init ng panahon.
Ibinahagi ng kagawaran na 4,769 paaralan na ang nagkasa ng alternative delivery modes (ADMs) dahil sa pagsusupindi ng mga nakakasakop na lokal na pamahalaan ng in-person classes dahil sa mataas na temperatura ng panahon.
Apektado sa hakbang na ito ang kabuuaang 2,482,507 base sa mga datos mula sa regional at schools division offices.
Pinakamarami sa Western Visayas kung saan 547,800 estudyante ang apektado, kasunod sa Central Luzon na may apektadong 502,838 mag-aaral at sa NCR na may apektadong 391,230 estudyante.
Ang pagsuspindi ng face-to-face classes ay napa-ulat sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, (MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at National Capital Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.