Matinding init puwedeng excuse sa class suspension

By Jan Escosio March 14, 2024 - 03:14 PM

Maaring suspindihin ang mga klase kapag matindi na ang init sa mga classroom. (FILE PHOTO)

Maaring idahilan ng pamunuan ng mga eskuwelahan ang matinding init sa pagsuspindi ng mga klase, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Education Asec. Francis Bringas may direktiba nang nailabas ang kagawaran hinggil dito at epektibo pa rin ito.

Paliwanag niya binigyan awtoridad na ang pamunuan ng eskuwelahan na magsuspindi ng klase kung masama o hindi na komportable para sa mga mag-aaral ang lagay ng panahon.

“Inaatasan natin or binibigyan natin ng authority ang ating mga school heads na mag-suspinde ng klase base sa kanilang maingat at wise discretion para masigurado na safe pa din ang ating mga mag-aaral pati na din ang ating mga guro,” dagdag pa ng opisyal.

Dagdag pa niya, ang pamunuan ng mga eskuwelahan ay naka-antabay sa mga anunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa heat index sa lugar.

“Iyon ang nagiging basehan din nila sa kanilang desisyon kung sususpindihin or hindi yung ating mga face-to-face classes at mag-shift na lang sa alternative or blended learning delivery mode,” sabi pa ni Bringas.

TAGS: class suspension, heat index, class suspension, heat index

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.