Nilathala na ang arrest warrant para kay Cedric Lee
MANILA, Philippines — Hindi naiharap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang negosyanteng si Cedric Lee sa korte sa Taguig City na nagbaba ng hatol na guilty sa kanya sa kasong serious illegal detention with ransom na sinampa ng TV host at aktor na si Vhong Navarro.
Diumano tumaas ang blood pressure ni Lee kayat nagpadala na lamang ng NBI ng kanilang mga ahente sa Taguig RTC Branch 153.
Binalitang ipinaalam lamang ng NBI na nasa kustodiya nito si Lee, na sumuko kagabi, ilang oras matapos mahatulan ng parusang reclusion perpetua, o hanggang 40 taon na pagkakakulong.
BASAHIN: Kasong rape, acts of lasciviousness ni Vhong Navarro ipinabasura ng Korte Suprema
Kasabay nito, nilathala na ang inilabas na arrest warrant ng korte para kay Lee at kaibigang si Ferdinand Guerrero na kabilang sa nahatulan kasama sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.
Tumangging humarap sa mga mamamahayag ang NBI agents na nagtungo sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.