Kasong rape, acts of lasciviousness ni Vhong Navarro ipinabasura ng Korte Suprema
By Jan Escosio March 13, 2023 - 09:43 PM
Ipinabasura ng Korte Suprema ang mga kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa laban kay TV host Vhong Navarro ng modelong si Deniece Cornejo.
Sa 42-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul Inting, ng SC 3rd Division, binaligtad ang desisyon at resolusyon ng Court of Appeals (CA) noong Hulyo 21, 2022 at Setyembre 20, 2022 na nag-atas sa Department of Justice (DOJ) na malitis si Navarro sa dalawang nabanggit na kaso.
Binaligtad ng CA ang dalawang resolusyon ng DOJ na nagbasura sa kaso ni Cornejo noong 2014.
Sa pagsang-ayon sa petisyon ni Navarro, sinabi ng SC na lubhang nagkamali ang CA sa utos sa DOJ na buhayin ang kasong rape.
Ayon pa sa SC malinaw ang mga tinukoy ng panig ng depensa na ‘inconsistencies’ sa mga pahayag ni Cornejo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.