Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa pagkulong kay Vhong Navarro
MANILA, Philippines — Napatunayang guilty ng isang korte sa Taguig City ang negosyanteng si Cedric Lee, ang modelong si Deniece Cornejo, at dalawang iba pa sa kasong serious illegal detention for ransom na base sa reklamo ni TV host-actor na si Vhong Navarro.
Sa 94 na pahinang desisyon ng Taguig RTC Branch 153, nasentensiyahan ang apat ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong.
Kinansela na rin ng korte ang piyansa ng mga kondenado.
BASAHIN: Vhong Navarro muling lumagda ng kontrata sa Kapamilya network
Hindi dumalo si Navarro sa promulgasyon, ngunit ayon sa kanyang abogadong si Alma Mallonga masaya ang kanyang kliyente sa naging hatol ng korte.
Naibahagi din ni Mallonga na umapila pa sina Cornejo at Raz, ngunit ipinag-utos na ng korte ang agarang pagkulong sa kanila.
Ipinag-utos na rin ng korte ang pag-aresto kina Lee at Guerrero.
Magugunita na noong 2014, hindi pinakawalan ng grupo ni Lee si Navarro at pinagtulungan pa nila itong saktan.
Inireklamo naman ni Cornejo si Navarro ng rape at acts of lasciviousness, ngunit ito ay ibinasura ng Korte Suprema noong nakaraang taon.
Inutusan din ng korte sina Lee na bayaran si Navarro ng P300,000 bilang danyos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.