Minimum wage sa mga rehiyon ipinasusuri ni Pangulong Marcos

By Jan Escosio May 01, 2024 - 05:28 PM

PHOTO: Composite wage increase image with 500-peso bill STORY: Minimum wage sa mga rehiyon ipinasusuri ni Pangulong Marcos
Composite image from INQUIRER.net files by JEROME CRISTOBAL

MANILA, Phillippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na pag-aralan ang umiiral na minimum wage rates sa mga rehiyon.

Sa kanyang mensahe sa Labor Day celebration sa Malacañan, hiniling niya sa mga RTWPB na isalang-alang ang kondisyon ng ekonomiya, lalo na ang halaga ng mga bilihin at serbisyo, sa gagawin nitong pag-aaral.

Nais ng pangulo na 60 araw bago ang anibersaryo ng huling nailabas na wage hike order ay maisagawa ng mga RTWPB ang pag-aaral sa minimum wage base sa epekto naman ng inflation.

BASAHIN: P100 wage hike banta sa job security, benefits – traders’ groups

BASAHIN: DOLE pinuna ni Chiz sa pagkontra sa P100 wage hike

Mandato ng mga RTWPB na magtakda ng minimum wage rate sa ibat-ibang rehiyon.

Bukod dito, pinatitiyak ni Marcos sa National Wages and Productivity Commission na napapatupad ng mga RTWPB ang kanilang mandato, kasama na ang regular na wage review para sa kapakanan ng lahat ng mga nasa sektor ng paggawa.

Umapila rin si Marcos sa Kongreso na suportahan nito ang mga programa ng kanyang administrasyon na lumikha ng maraming trabaho.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., minimum wage, Ferdinand Marcos Jr., minimum wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.