DOLE pinuna ni Chiz sa pagkontra sa P100 wage hike
Pinalaahanan ni Senator Francis Escudero na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang dapat ang unang nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa.
Kayat labis na ikinagulat ng senador na kontra ang kagawaran sa naipasa sa Senado na P100 legislated wage hike para sa minimum wage earners.
Paalala pa nito sa DOLE na hindi trabaho ng ahensiya na maging oposisyon sa mga panukalang-batas na nagsusulong at nagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga manggagawa.
Una nang nagbabala si Labor Sec. Bienvenido Laguesma na tataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng suweldo ng mga mamamayan.
Sinabi pa nito na mahihirapan na makaagapay ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Aniya dahil sa posisyon ni Laguesma, lalong kailangan na maging batas ang panukalang legislated wage hike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.