Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

By Jan Escosio May 01, 2024 - 02:27 PM

PHOTO: JV Ejercito STORY: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy - JV Ejercito
Gusto ni Sen. JV Ejercito na rebisahin ang EPIRA Law at pag-aralan ang paggamit ng nuclear energy sa bansa. (FILE PHOTO)

MANILA, Philippines — Makakamura ang mga konsyumer sa kuryenteng mula sa nuclear energy kayat napapanahon ang gawan ng masusing pag-aaral kung handa na ang Pilipinas para dito, ayon kay Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.

Batid naman daw niya na ang pangunahing ikinababahala ng mga Filipino ay ang kaligtasan ng nuclear energy.

Sa kanyang pagtataya, kung higit P11 pataas ang halaga ng per kilowatt hour ng kuryente ngayon — at depende ito sa lugar — higit na P2 per kilowatt hour lang, sa kanyang pagkakaalam, ang halaga ng kuryente mula sa nuclear energy.

BASAHIN: Win: Rotating brownouts posible dahil sa kapos na suplay ng kuryente 

BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., pinatitiyak ang suplay ng kuryente

Kasabay nito, sinabi din ni Ejercito na sa kanyang palagay ay kailangan nang suriin ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 — o EPIRA — para malaman kung epektibo pa ito sa kasalukuyang panahon.

Dagdag pa ng senador nararapat lamang na alamin kung sapat pa ang batas para sa sapat na suplay at murang halaga ng kuryente.

TAGS: JV Ejercito, nuclear energy, JV Ejercito, nuclear energy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.