Win: Rotating brownouts posible dahil sa kapos na suplay ng kuryente

By Jan Escosio April 25, 2024 - 08:07 PM

Rotating brownouts sa Metro Manila posible kung hindi madadagdagan ang power supply.

May posibilidad na magkaroon ng rotating brownout sa mga lugar kung saan manipis ang suplay ng kuryente, ayon kay Senator Sherwin  Gatchalian.

Ito ay kung hindi magagawaan ng paraan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, partikular na ng Department of Energy (DOE), ang pagbagsak at pagbabawas ng operasyon ng maraming planta ng kuryente sa bansa.

Partikular niyang nabanggit ang pagsasagawa ng cloud seeding para umulan at magkaroon ng tubig sa mga hydro power plants.

“Mas mainit mas mas tataas ang demand, mas mainit mas mataas na suplay ang kailangan kasi nga wala tayong hydro so kung wala tayong intervention hindi malayo na magkakaroon tayo ng rotating brownouts,” sabi ng vice chairman ng Senate Committee on Energy.

Posible aniya na maapektuhan ng rotatin brownouts sa Metro Manila, na tinawag niyang “power demand center” ng bansa.

 

TAGS: Metro Manila, rotational brownouts, Metro Manila, rotational brownouts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.