P5.32-B halaga ng mga droga winasak ng PDEA

PHOTO: Facade of PDEA headquarters FOR STORY: P5.32-B halaga ng mga droga winasak ng PDEA
Ang harapan ng headquarters ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City (Larawan mula sa Facebook page ng PDEA)

METRO MANILA, Philippines — Aabot sa P5.32 bilyon ang halaga ng mga ibat-ibang droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pasilidad sa Cavite.

Kabilang sa winasak ang 738 kg ng shabu, higit 1,400 kg ng marijuana, 4.8 kg ng ecstasy, at 39 kg ng cocaine.

Sinabi ni PDEA Director General Isagani Nerez ang mga droga at iba pang kemikal ay nagamit ng ebidensiya sa mga paglilitis sa ibat-ibang korte

BASAHIN: P7.3-M na imported drugs nasamsam sa Naia ng PDEA, BOC

Aniya ang pagwasak sa mga droga sa pamamagitan ng thermolysisi ay aprubado ng mga korte at isinagawa sa Integrated Waste Management Inc. sa Trece Martires City.

Winasak aniya ang mga droga upang maalis ang pagdududa na nare-recycle ang mga droga na nasasamsam sa mga operasyon ng mga awtoridad.

Read more...