
METRO MANILA, Philippines — Inulit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang kanyang panawagan na amyendahan ang Party-list System Law para tanging mga lehitimong grupo lamang ang maaaring mahalal.
“I will always push for the amendment of the law. The party-list law needs to be amended,” ani Garcia tungkol sa Republic Act No. 7491, na naging batas noon pang 1995.
Naniniwala aniya siya na maging ang mga party-list group ay nais ng bagong batas upang tunay na magkaroon ng boses sa Kamara ang ibat-ibang sektor ng lipunan.
BASAHIN: Pagboto ng higit 57M noong Lunes makasaysayan – Comelec chair
Samantala, iprinoklama na ng Comelec ang nanalong parry-list groups sa pangunguna ng Akbayan.
Sinuspindi naman ang proklamasyon ng dalawa sa mga nanalong party-list group dahil sa magka-ibang isyu.