
METRO MANILA, Philippines — Nanguna si reelectionist Sen. Christopher “Bong” Go sa huling Arkipelago Analytics senatorial survey noong nakaraang buwan ng Marso.
Base sa survey na isinagawa noong ika-15 hanggang ika-21 ng Marso, nakakuha ng 64% ang kandidato ng PDP-Laban.
Sinundan siya ng magkapatid na Erwin Tulfo (Lakas-CMD) at Ben Tulfo (Independent), na nakakuha ng 59.8% at 57.7%.
Pang-apat si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III (NPC) sa nakuhang 49.0% at sumunod sa kanya ang isa pang reelectionist Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa nakuhang 48.4%.
BASAHIN: Bong Go sinigurong tutukan ang paggamit ng 2025 budget ng PhilHealth
Sumunod sa kanila sina Sen. Pia Cayetano (Nacionalista Party) na may 48.0% at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. (Lakas) na nakakuha ng 46.0%.
Pang-walo ang TV host at independent candidate na si Willie Revillame sa nakuhang 39.5%.
Kinumpleto ang “Magic 12” nina Sen. Lito Lapid (38.7%), Makati City Mayor Abby Binay (38.4%), Las Piñas City Rep. Camille Villar (37.9%), at dating Sen. Manny “Pacman” Pacquiao (37.7%).
Sumunod sa kanila sina dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson (37.5%), Philip Salvador (31.5%) at Rep. Dante Marcoleta (30.0%).
Binuo ang Top 20 nina Sen. Imee Marcos (29.9%), Jimmy Bondoc (29.5%), Gringo Honasan (27.9%), Bam Aquino (27.7%) ar Kiko Pangilinan (25.1%).
Nakadikit sa kanila sina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Sen. Francis Tolentino, at Raul Lambino.