Alyansa bet Bong Revilla kasama Ara Mina sa Pasig sortie

PHOTO: Ramon Revilla Jr. FOR STORY: Alyansa bet Bong Revilla kasama Ara Mina sa Pasig sortie
Sen. Ramon Revilla – File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Ipinadama ng mga residente ng Pasig City ang kanilang suporta kay re-electionist Sen. Ramon ““Bong” Revilla Jr. kahapon, araw ng Linggo.

Bago ang kanyang motorcade sa lungsod, nakipag-diyalogo si Revilla sa mga inabutan niya sa Pamilihang Bayan ng Pasig, kasama ang aktres na si Ara Mina.

“Alam kong hindi madali ang buhay ngayon. Kaya sa Senado, lagi nating inuuna ang mga batas na talagang may silbi sa tao,” aniya.

BASAHIN: ‘Pagkain sa Bawat Hapag’ campaign inilatag ni Revilla sa Pangasinan

Idinagdag pa niya na ang mga isinusulong niyang panukala ay mga lubos na mapapakinabangan ng mas nakararaming Filipino.

Labis na natuwa ang kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas dahil marami sa mga nakaharap na Pasigueño ang naalala ang mga batas na isinulong ng senador.

“Hindi lang ito tungkol sa eleksyon, ito ay tungkol sa patuloy na pagseserbisyo at pagpapakita ng malasakit sa ating mga kababayan,” sabi pa ni Revilla.

Read more...