‘Pagkain sa Bawat Hapag’ campaign inilatag ni Revilla sa Pangasinan

By Jan Escosio March 21, 2025 - 09:30 AM

PHOTO: Ramon Revilla Jr. FOR STORY: ‘Pagkain sa Bawat Hapag’ campaign inilatag ni Revilla sa Pangasinan
Sinuyod ni Sen. Bong Revilla ang mga lungsod at bayan sa Pangasinan kung saan hinarap niya ang mga senior citizen, magsasaka, mangingisda at Sangguniang Kabataan officials. (OSRR photo)

METRO MANILA, Philippines — Tatlong araw na nag-ikot si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa lalawigan ng Pangasinan at ipinadama sa kanya ang solidong suporta ng mga Pangasinense.

Unang nagtungo sa bayan ng Pozorrubio, unang humarap si Revlla sa senior citizens at ipinaliwanag ang isinulong niyang Expanded Centenarians Act na nagbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga aabot sa edad na 80, 85, 90, at 95.

Sunod niyang hinarap ang Sangguniang Kabataan official sa bayan ng Villasis bago umikot sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, Bautisa, Alcala, at Santo Tomas.

BASAHIN: Popularidad ni Bong Revilla nagpabilib kay Marcos

Noong ika-19 ng Marso, humarap si Revilla sa mga lokal na opisyal ng Lingayen at Mangatarem, bago siya nag-ikot sa Dagupan City.

Nang sumunod na araw, dumalo ang senador sa Crops and Fishers’ Day sa Alaminos City kung niya unang ibinahagi ang kanyang “Pagkain sa Bawat Hapag.”

Ipinaliwanag ni Revilla na layon ng kampaniya na buhusan ng suporta ang mga magsasaka at mangingisda bilang pagkilala sa kanilang malaking bahagi para sa seguridad sa pagkain sa bansa.

Aniya, magsusulong siya ng mga panukalang batas para mabigyan ng prayoridad ang pagbibigay ng pangmatagalang suporta sa mga may kabuhayan sa sektor ng agrikultura.

TAGS: 2025 elections, Philippine elections, Ramon Revilla Jr, 2025 elections, Philippine elections, Ramon Revilla Jr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub