Importasyon ng bigas bumaba, magandang ani inaasahan ng DA

PHOTO: Stock image of rice grains and stalk FOR STORY: Importasyon ng bigas bumaba, magandang ani inaasahan ng DA
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Bumaba na ang pag-aangkat ng bigas dahil sa panahon na ng pag-ani sa Pilipinas, ayon sa pahayag nitong Biyernes ng Department of Agriculture (DA).

Simula noong Enero hanggang noong ika-13 ng Marso, umabot lamang sa 640,915 metric tons ng imported na bigas ang dumating sa bansa na mababa ng higit 1.19 million metric tons kumpara sa katulad na panahon noong 2024.

Ayon pa kay DA spokesman Arnel de Mesa, sa 1,428 na naaprubahang sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC), 933 lamang ang nagamit.

BASAHIN: P58 per kg MSRP sa imported rice ipapatupad sa Metro Manila muna

Sinabi pa ng opisyal na inaasahan ang magandang ani ng palay ngayon taon kayat magkakaroon ng pagbabago sa dami ng aangkatin na bigas.

Noong nakaraang taon, umabot sa 4.8 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas.

Read more...