Higit 50% ng mga Pinoy pabor panagutin si Duterte sa drug war

METRO MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang pabor na mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Sa survey na isinagawa noong ika-15 hanggang ika-19 ng Pebrero, at sinagot ng 1,800 rehistradong botante, 51% ang nagsabi na nararapat lamang na mapanagot si Duterte at 25% naman ang tutol.
May 14% ang walang direktang sagot at 10% naman ang nagsabi na kulang ang kanilang nalalaman sa isyu kayat hindi sila nakapagbigay ng sagot.
BASAHIN: Paghingi ng asylum ni Rodrigo Duterte sa China ‘fake news’ – Bato
Sa mga pumabor 62% ang mula sa Visayas, 49% sa Balance Luzon, 47% sa Mindanao at 45% sa Metro Manila.
Noong Marso 11, inaresto si Duterte sa bisa ng arrest warrant mula sa International Criminal Court dahil sa crimes against humanity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.