ICC arrest warrant isinilbi kay dating Pangulong Duterte sa NAIA

METRO MANILA, Philippines — Inabangan na ng mga awtoridad si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa NAIA Terminal 3 sa pagdating nito mula sa Hong Kong nitong Martes para isilbi ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Sinalubong na si Duterte sa loob ng Cathay Pacific flight CX 907 paglapag nito 9:20 a.m.
Sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), isinilbi lay Duterte ng prosecutor general ang abiso mula sa ICC kaugnay sa arrest warrant para sa crimes against humanity.
BASAHIN: Malacañang sa Duterte supporters: Relax lang, sumunod sa batas
Sinuri ng mga doktor ng gobyerno si Duterte para malaman ang kanyang kondisyon, samantalang ang mga pulis na sumalubong sa kanya ay may suot na body cameras, ayon sa PCO.
Nabatid na kaninang madaling araw nang matanggap ng Interpol Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest.
Nagtungo sa Hong Kong si Duterte para ikampaniya ang mga sinusuportahang kandidato sa pagka-senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.