
METRO MANILA, Philippines — Hinamon ng Malacañang si dating presidential spokesman Harry Roque na umuwi na lamang ng Pilipinas dahil hindi na siya kabilang sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa International Criminal Court (ICC),
Sinabi ni Undersecretary Claire Castro ng Presidential Communications Office (PCO) na makabubuti kay Roque na harapin niya ang mga alegasyon na sangkot siya sa illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs.
Makatuwiran lamang din, dinagdag pa ni Castro, kung uunahin ni Roque na ipagtanggol ang sarili sa mga alegasyon.
BASAHIN: Seryoso ang pag-ugnáy kay Roque sa illegal POGO hub – Escudero
Hiniling ni Roque sa gobyerno ng The Netherlands na kupkupin siya sa katuwiran na biktima siya ng “political persecution” ng binuong House quad committee.
Bumuwelta naman si Castro na matibay ang mga ebidensiya laban kay Roque.
Samantala, si Vice President Sara Duterte ang nag-anunsiyo na hindi kabilang sa legal team ng ama si Roque.