Regulasyon sa socmed posts pinag-aaralan ng Malacañang

PHOTO: Stock image FAKE NEWS stamped over laptop screen FOR STORY: Regulasyon sa socmed posts pinag-aaralan ng Malacañang
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Ikinukunsidera ng Malacañang ang paglagay ng regulasyon sa social media posts para mapigilan ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkules na may mga pag-uusap na para sa pagpapalabas ng mga bagong alintuntunin sa paggamit ng social media.

Kapuna-puna ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa social media ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

BASAHIN: Paghingi ng asylum ni Rodrigo Duterte sa China ‘fake news’ – Bato

Binanggit ni Castro na maging ang Korte Suprema ay hindi nakaligtas sa fake news nang kumalat sa social media ang pagpapalabas ng temporary restraining order sa pag-aresto kay Duterte.

Amindo ang opisyal na hindi kakayanin ng gobyerno ang pigilin ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

“Hindi lamang po ang gobyerno ang siyang magsasayaos po nito. Lahat po tayo ay dapat magtulong-tulong para po maiwasan po natin, matanggal po natin ang lahat ng mga fake news,” aniya.

Nakikipag-ugnayan na ang Presidential Communications Office sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police para matukoy ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media.

Read more...