Duterte bridges sisipatin sa integridad at kaligtasan

PHOTO: Claire Castro FOR STORY: Duterte bridges sisipatin sa integridad at kaligtasan
PCO Undersecretary Claire Castro

METRO MANILA, Philippines — Magsasagawa ng masusing inspeksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) katuwang ang mga local government units (LGUs) sa lahat ng tulay na itinayo sa anim na taon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gagawin ito sabi ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Huwebes para matiyak ang integridad at tibay ng mga tulay.

Kaninang umaga, binisita ni Pangulong Marcos Jr. ang bumagsak na tulay sa Santa Maria, Isabela, kung saan ay nabanggit niya na ang insidente ay maaring bunga ng maling disenyo.

BASAHIN: Pagbagsak ng mga tulay ipapausisa ni Pimentel sa Senado

Ayon sa punong ehekutibo mahina ang tulay at gagastusan na lamang muli ito para patibayin at mapakinabangan.

Kasunod nito ay tutukuyin ang mga responsable sa paggawa ng naturang tulay, na binuksan noon lamang nakaraang buwan at kinilalang bahagi ng “Duterte Legacy.”

Read more...