Pagbagsak ng mga tulay ipapausisa ni Pimentel sa Senado

By Jan Escosio March 05, 2025 - 11:30 AM

PHOTO: Aquilino Pimentel III FOR STORY: Pagbagsak ng mga tulay ipapausisa ni Pimentel sa Senado
Sen. Aquilino Pimentel III —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Naghain ng resolusyon si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III para imbestigahan sa Senado ang mga insidente ng pagbagsak ng mga tulay sa bansa.

Nais ni Pimentel na mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno at contractor na may kinalaman sa pagpapatayo ng mga bumagsak na tulay.

Binanggit ng senador sa inihain niyang Senate Resolution No. 1319 na lubha ng nakaka-alarma ang bilang ng mga bumagsak na tulay.

BASAHIN: Revilla sa pagbagsak ng Isabela bridge: ‘Magpagulong ng mga ulo!’

Idiniin niya na bilyong-bilyong piso at matagal na panahon ang nasayang dahil sa mga insidente bukod pa sa nalalagay sa panganib ang buhay ng mga tao.

Ang pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela ang nagtulak na kay Pimentel para ihirit na imbestigahan sa Senado ang mga insidente.

Binuksan ang P1.22 bilyong halaga ng tulay noon lamang nakaraang Pebrero 1.

Simula noong 2022, may nauna ng pitong insidente ng pagbagsak ng mga tulay sa Davao City at mga probinsya ng Batangas, Pangasinan, Bohol, at Laguna.

TAGS: Aquilino Pimentel III, bridges, Aquilino Pimentel III, bridges

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.