Lakas-CMD, NP ang mga dominanteng partido pulitikal – Comelec

PHOTO: Comelec office and logo FOR STORY: Lakas-CMD, NP ang mga dominanteng partido pulitikal – Comelec

METRO MANILA, Philippines — Tinukoy ng Commission on Elections (Comelec) ang Lakas-CMD bilang dominant majority political party para sa halalan sa darating na Mayo 12.

Samantalang, ang Nacionalista Party (NP) naman ang kinilalang dominant minority base sa inilabas na Resolution No. 1119 ng Comelec.

Nangangahulugan ito, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, na ang dalawang partido pulitikal ang tatanggap ng mga kopya ng election returns.

BASAHIN: Alyansa ng Lakas, PFP ang pinakamalakas – Romualdez, Revilla

Sinabi pa ni Garcia na ang Lakas-CMD at NP ay magkakaroon ng kanilang sariling server para sa mabilis nilang pagbilang ng mga boto at upang maberepika na rin ang resulta ng botohan.

Labing-isang partido pulitikal ang nag-apply na kilalanin na dominant majority at minority parties. Bukod sa Lakas-CMD at NP, eto pa mga kabilang sa listahan:

Read more...