Pope Francis nasa stable condition na, ayon sa Vatican

PHOTO: Pope Francis FOR STORY: Pope Francis nasa stable condition na, ayon sa Vatican
Pope Francis —File photo mula sa Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Wala nang respiratory failure kayat naging stable na ang kondisyon ni Pope Francis, ayon sa Vatican Press Office.

Sa inilabas na medical bulletin kaugnay sa kondisyon ng Santo Papa, sinabi na bumuti ang kondisyon nito matapos sumailalim sa high-flow oxygen therapy at non-invasive mechanical ventilation.

“The Holy Father remained stationary today without showing episodes of respiratory failure,” pahayag pa ng Vatican Press Office.

BASAHIN: Pope Francis tinamaan ng flu

“The Holy Father increased respiratory physiotherapy and active motor therapy. He spent the day in an armchair,” dagdag pa ng naturang tanggapan.

Patuloy ang pakikipaglaban ng 88-anyos na Santo Papa sa sakit na pneumonia. Siya ay sinimulang gamutin sa Gemelli Hospital simula noong nakaraang ika-14 ng Pebrero.

Read more...